Wikang Mapagbago

Published on August 31, 2017

Agosto 30, 2017.  Ipinagdiwang ng Senior High School Department ang Buwan ng Wika sa pagtanghal ng mga talento ng mga mag-aaral  lalu na sa paligsahan ukol sa character interpretation.  Nabigyang saya ang lahat ng dumalo sa husay at galing ng mga sumali sa character interpretation.  Bukod dito, iba’t ibang talento ang ipinamalas din sa pag-awit,  pagsayaw at pagtula (spoken word).  Ang pagdiriwang ay pinamahalaan ni Gng. Lourdes Balsomo, guro sa Filipino.   Sa kanyang pahayag, binigyang diin ni Gng. Balsomo ang kahalagan ng tema ng Buwan ng Wika, “Wikang Mapagbago.”  Ang sabi niya, “ang wika ay buhay o dinamika kaya patuloy itong nagbabago. Pinasok na tayo ng mga banyagang wika gaya ng Ingles, Pranses, Aleman, Italyano at iba pa at ang mga ito ay inihalo sa ating wikang Filipino.  Ngunit kahit na inihalo ang mga banyagang wika, dapat nating tandaan at ipreserba ang ating kulturang Filipino at laging gagamitin ang ating pambansang wika.”

Wikang pambansa 009

Character interpretation

Wikang pambansa 001

Intermission: song, interpretive dance, and spoken word.

Wikang pambansa 018Wikang pambansa 010

Wikang pambansa 007Wikang pambansa 011Wikang pambansa 014Wikang pambansa 015Wikang pambansa 022Wikang pambansa 021

Comments

comments


Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *